Thursday, August 21, 2008

Nakakapagod...


sometimes i get to the point na ayoko na...basta lang...give up na ako...ayoko ng makausap ka pa o kahit makita ka lang...ayoko na... sawang sawa na kasi ako na puro ako na lang ang nakikisama sayo...bakit ganun?

kailangan ba parating ako na lang ang mag aadjust, sa araw araw na lang na mag kasama tayo, feeling ko nakaposas ang mga kamay ko at nakakadena ang mga paa ko kasi natatakot ako na baka magkamali ako ng kilos at magalit ka sa'kin...feeling ko may tape yung bibig ko kasi baka mamaya may masabi ako na di mo magustuhan at bigla mo na lang akong talikura.

pag magkasama tayo, lakas ng tawanan natin...pero sa totoo lang, umiiyak ang puso ko sa hirap...sa hirap ng nararamdaman ko na pinipilit kong maging masaya sa harap mo kahit hinde naman...pinipilit kong maging masaya kasi gusto kong nakikitang kang masaya...gusto ko masaya ka parati...dahil sa tuwing nakatitig ka sakin at nakangiti kahit papaano naiibsan ang lungkot at sakit na aking nararamdaman.

bakit di mo maramdaman yun? bakit di mo ko naririnig na humihikbi sa harap mo habang nagkakangitian tayo? bakit di mo maramdaman and nararamdaman ko sayo? seryoso ako...gusto kita...pero bakit sa tuwing sinusubukan kong ipadama sayo yun lumalayo ka? bakit sa tuwing inilalapit ko ang sarili ko sayo parang parating may kutsilyong tumutusok at pilit na bumabaon sa dibdib ko na para bang tumutulak sakin na lumayo and to keep that distance from you?

half of myself is happy just to see you and have that chance to talk and mingle with you but most of me hurts whenever i attempt to approach you and get near to you and start tickling you on your most ticklish part...

from afar i see you looking at me as well, but then when i catch you looking at me you move your head as if i was not there...ang sakit sakit na...di ko na kaya...sana di mo na lang ako pansinin...sana magalit ka na lang sa akin...suko na ako...ayoko na talaga...sinubukan ko naman na di ka pansinin pero you keep on getting my attention...ano ba ko sayo talaga? libangan mo lang na kinakailangan mo kapag bored ka na? human size teddy bear ba ako na hahaplusin mo if ur having a bad day to make you feel better?

pero alam mo...kahit gaano ako nasasaktan sayo, ok lang sakin...di mo naman kailangang malaman ang lahat ng to...hayaan mo lang ako...ok lang ako...dito lang naman ako pag kailangan mo....di ko kayang magalit sayo at kalimutan ka eh...kahit araw araw pa nating gawin ito...dahil kapalit ng luhang tumutulo dahil sayo ay tuwa, that makes me feel alive and be ready for the next day....